"Galit na galit na ako sa 'yo, Kent... matagal na, pero pinipigilan ko lang. Kinasusuklaman kita!" naiiyak kong sabi at pilit na nilalabanan ang nag-aapoy niyang mga titig sa akin. "Hindi ko alam na aabot tayo sa ganito kaya ako pumayag sa mga kondisyon mo! Ang akala ko ay pakakawalan mo na ako kaagad kapag pauwi na si Arah. Pero hindi ka sumunod sa mga pinag-usapan natin!" galit kong ani at patuloy pa rin sa pag-iyak. "Walang silbi ang mga pinag-usapan natin Layna, dahil kahit ano pa ang sabihin mo ay kontrata ang meron ako!" "Wala ka talagang awa, nagsisisi ako kung bakit nakilala pa kita dahil ginawa mo lang miserable ang buhay ko, Kent. Hindi na rin ako bumabata at gaya mo ay kailangan ko rin ng katuwang sa buhay. May pangarap rin ako para sa sarili ko pero paano ko 'yon magagawa kun