Nang buklatin ko ang folder na binigay niya ay napangiti ako dahil sa tingin ko ay hindi yata ako mahihirapan sa araw na ito. May mga pangalan nang nakasulat do'n at may nakalagay na ring oras kung ano'ng oras ang appointment niya sa ka-meeting niya. Maging magaan lang naman ang trabaho ko sa araw na 'to dahil kadalasan ay tumatanggap lang ako ng mga tawag sa mga kliyente kung mayroong gustong magkipag-appointment sa boss ko. Ngayon pa lang ay napagtanto ko na busy nga siyang tao. Lunes pa lang ngayon pero may scedule na siya for appointment hanggang next week. Nagtaka tuloy ako kung paano niya ba nahahati ang mga oras niya gayong dito pa lang ay loaded na siya. May negosyo rin itong resort na kamakailan lang ay napuntahan namin. Nang tingnan ko ang oras sa aking pulsuhan ay lagpas na s