Nakangiti akong nakatayo sa aisle ng simbahan habang hinahabaan ang aking pasensiya para hindtayin si Layna. Ngunit gaya nga ng sabi nila ay hindi ko hawak ang aming kapalaran. Walang sino man ang may alam at ang kapalaran ay pinaglaruan na naman kaming dalawa. Kung kailan masasabi kong magiging happy ending na kami ay hindi nangyari. Pawisang lumapit sa pwesto ko sa akin si Mommy at parang may kakaiba sa kaniya. Malungkot ang kaniyang mukha at parang nag-aalangan itong magsabi ng kaniyang saloobin. Alam kong ayaw niya kay Layna para sa akin. Pero si Layna ang mahal ko at hindi niya mababago ang isip ko. Pakakasalan ko si Layna nang paulit-ulit kahit na ano man ang mangyari. Sino man ang hahadlang sa aming pagmamahalan ay nagsasayang lang ng panahon dahil magiging matibay ka