Isang linggo akong hindi nakapasok sa trabaho dahil sa nangyari. Parang ayaw ko na tuloy magpakita kay Chad ni kahit na tumuntong sa kompanya niya dahil sa hiya. Hindi ako nakapagpaalam sa kaniyang a-absent ako. Dapat ay tinawagan ko siya o 'di naman kaya ay nagpadala ng kahit mensahe. Pero dahil sa taas ng lagnat ko ay hindi ko na naisipang kontakin siya. Isang buong linggo akong inalagaan ni Kent at kahit minsan ay hindi niya ako iniwan. Kahit na pinipilit ko itong pumasok at iwan ako ay hindin0a rin ito nakinig. Halata sa mga mata niya na hindi ito napapanatag kahit na sinabi kong kaya ko ang sarili ko. Para bang ibang katauhan ni Kent ang kasama ko dahil naging maalaga ito sa akin at naging malambing. Mabuti na lang at hindi na ako inusisa pa ni Sir Chad kung bakit hindi ako sumi