Isang malakas na tunog ang narinig ko mula sa labas ng pintoan dahilan kung bakit ako nagising. Wala akong inaasahang bisita at nasisiguro kong hindi rin babalik si Kent dito dahil mainit pa ang ulo niya. Kilalang-kilaka ko na ang binata at hindi niya ugaling magpakita lalo na kung mainit pa ang ulo nito. Napakagulo ng silid ngunit hindi ako nag-abalang linisin iyon dahil tinatamad akong kumilos. Kahit ang tumayo ay hindi ko gugustuhin kung hindi lang sana makulit ang taong kumakatok ngayon. Mukhang wala yata itong planong tumigil sa ginagawa dahil mas lalo lang lumalakas ang katok nito sa pinto. Para ba'ng sisirain na nito ang pintoan ko dahil nagpupumilit itong makapasok. Habang papalapit ang hakbang ko sa may pintoan ay naririnig ko ang boses ng may-ari na nakikipagtalo sa tao sa laba