Naiilang na rin ako sa mga ginawa nilang tingin kaya sinalubong ko ang mga kilay ko dahil sa labis na pagtataka ko sa kanila. Kung makatingin sila sa akin ay para akong salarin sa isang krimen na wala naman akong alam. Para bang isa akong suspek kahit wala pa namang ebidensiya. Kumunot ang noo ko bago ako nagtanong sa kanila. "Ano?" tanong ko ng hindi ko na matiis ang panunuri nila sa akin. "Ikaw!" sabay-sabay nilang sabi at tinuro pa ako ng kanilang mga daliri. "Ako?" Turo ko sa aking sarili bago ako nagpatuloy sa aking tanong. "Bakit ako, may problema ba sa akin?" nag-aalala kong tanong dahil sobrang seryoso ng mga mukha nila. "Girlfriend ka ni Sir Chad?!" Malakas nilang sabi at sabay-sabay pa. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang ideya na 'yon para isipin nilng ako ang boyfriend