Hindi ko na namalayan kung paano ako natulog kagabi? Kung paano ko nagawang ipikit ang mga mata ko sa kabila ng mga iniisip ko? Maulan ang umaga nang magising ako, nakakapagod dahil antok na antok pa rin ako. Mabigat ang pakiramdam ko at para akong magkakasakit. Lahat yata masakit sa akin kasali na ro'n ang puso ko. Ang weird ng ganitong pakiramdam dahil ang utak ko ay sinasabing tama na, layuan ko na siya, at kalimutan na siya ng tuluyan. Pero ang puso ay ayaw pa ring bumitaw. Ang hirap-hirap mag-move on dahil mahal ko pa rin kahit na sinaktan ako. Pero sabi nga nila sa umpisa lang mahirap ang lahat. Pero pagdating ng tamang panahon ay matututunan ko ring pahalagahan ang sarili ko. Pero tama nga ba? Totoo nga bang sa umpisa lng mahirap o sabi lang nila? Life must go on sabi nga nila