Inayos ko ng mga gamit ko at pinagpag ang maletang sinipa ni Kent. Pinahid ko rin ang mga luhang nasa aking pisngi at taas noong bumaba para puntahan ni Chad na naghihintay sa akin sa sala. Mamaya kakausapin ko si Chad na lilipat ako ng ibang apartment para hindi na ako magulo ni Kent. Hindi ako makakapag-move on kung palagi ko siyang nakikita. Nang makalabas ako ng kwarto ay sinalubong niya ako. Kinuha niya ang maliit kong malita at siya na ang nagbitbit. "Let's go?" excited niyang tanong kaya tumango ako sa kaniya bilang tugon. Matutuloy na ang pagpunta namin sa Freedom hotel and beach resort. Kita ko sa mga mata niya na sobrang saya niya dahil masisilayan na naman niya ang islang pinakamamahal niya. Nakangiti lamang siya buong byahe at sobrang lambing nito sa akin. Maging sa pa