"Babe," sambit ni Marshall. "Ssshhh... huwag ka munang magsalita babe, pagaling ka muna at aalagaan kita. Ikaw at ang mga anak natin." Tinakpan ni Isy ang kaniyang labi gamit ang isang daliri. "Akala ko, hindi na kita makikita," luhaang sabi ni Marshall, sabay haplos sa kaniyang pisngi. KINABUKASAN ay inilipat si Marshall sa isang pribadong kuwarto. At kahit isang sandali ay hindi umalis si Isy sa kaniyang tabi at dinadalhan lang siya ng bihisan nang kaniyang magulang. Ang ama ni Marshall at ang ama ni Isy ay palaging magkasama sa lakad. Sapagkat pinaimbestigahan nila ang pagka aksidente ni Marshall. Kuha sa CCTV ng basement ng hospital kung saan nakaparada ang sasakyan ni Marshall ay kitang-kita ang isang lalaking lumapit sa sasakyan ni Marshall. Umupo ito na tila may ginalaw sa