Dala-dala ang mga iba pang kailangan sa bukid. Pinadala ko ng galon ng tubig at ang aming pagkain pagnagutom naman kami si Kysler. Hindi man lang ito umangal pero halata ko nahihirapan na ito. Lihim akong napangiti dahil alam kong pagod na ito sa paglalakad. Hindi ito sanay sa ganitong lugar. At kapag umaalis man ito ay nakasakay sa magara niyang kotse pero ngayon tanging sarili niya lang ang gagalaw para makarating sa pupuntahan namin. Nasa likuran kami nila mama at Irish. Sumama rin kasi si Irish. "Pagod ka na ba?" tanong ko naman sa kaniya. "I'm not tired. I'm enjoying it," sagot naman niya. Alam kong pagod na ito at alam kong ayaw niya lang ipahalata. Mukhang gagawin niya ang lahat para mapatawad ko lang siya. "I'll do everything, you can just forgive me." dugtong pa niya.