NANG makalabas ng hotel. Nagtungo naman kami sa isang sikat na beach dito sa Hawaii. Nasa WAIKIKI BEACH kami ngayon. Nagpalakad-lakad na muna kami sa buhangin. Bawat nakakasalubong namin na babaeng foreigner ay napapatingin si Kysler dahil sa masyadong lantad na ang mga dibdib ng mga ito labas na ang kaluluwa ng mga ito sa kanilang suot na bathing suit at two piece. Kaagad ko naman hinawakan ang mukha ni Kysler at sa akin ko pinaharap. "Kung makatingin ka sa kanila eh, noh?" inis na sabi ko sa kaniya. "Are you jealous? " he tickled my waist. "Nagseselos ako dahil asawa mo 'ko." pranka na sagot ko sa kaniya habang nakanguso. Bigla naman niya hinalikan ang aking labi. Sandali lang pero nabigla ako sa ginawa niya. "Don't be jealous of them. Even if I look at them, my eyes only admire th