CHAPTER 52- NERVOUS

2321 Words

{Third Person's POV} Laking pagtataka ang naramdaman ni Ivy dahil hindi siya sa presento dinala ng tatlong mga pulis kun'di dinala siya sa pier kung saan nasa harapan niya ngayon ang isang nag-iisang yacht. Kinakabahan man ay humakbang pa rin ang kaniyang mga paa. Inalalayan siyang lumabas ng isang pulis. Napabuntong hininga siya at napatingala sa langit. Wala naman sigurong masamang balak ang mga ito sa kaniya. Bakit siya dinala ng mga ito sa ganitong lugar? "A-anong gagawin niyo sa 'kin? B-bakit niyo 'ko dinala dito? A-akala ko ba sa presento niyo ako dadalhin. B-bakit niyo 'ko dito dinala sa pier? M-may masama ba kayong balak sa akin?" pilit niyang pinapakalma ang sariling boses kahit kabado na at mahahalata na iyon sa kaniyang boses. Sobra-sobra na ang kaba na nararamdaman niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD