Ivy De La Cruz POV Dalawang linggo na ako dito sa Batangas. Wala rin akong balita at hindi ko naririnig ang boses ni Candy. Hindi na rin ako nanunuod ng TV dahil ayaw kong mabalitaan na kasal na si Kysler kay Joanna, masasaktan lang ako. four months na rin ang dinadala ko at gabi-gabi ko rin itong kinakausap. Sa kaniya ko na lang ibinubuhos ang lahat ng pagkaulila ko kay Candy. Wala ring gabi na hindi ako umiiyak. Gustong-gusto ko na makita si Candy pero pinipigilan ko ang aking sarili na bumalik sa Manila. "Ate, tapos ka na ba magbihis?" sigaw ni Irish sa sala. Aalis kasi kami ngayon, mamalengke. "Palabas na ako!" sigaw ko at lumabas na rin pagkatapos mag-ayos ng sarili. Pulbo lang at light lipstick ang inilagay ko sa aking labi. "Si ate...nag-lipstick...sino kaya yung pinapaganda