Ivy's POV Ala una nang madaling araw nang magising ako dahil nakaramdam ako ng pagkagutom. Humihilab din ang tiyan ko at bumabaliktad ang sikmura ko. Kanina ko pa ito napapansin. Naisipan kong bumaba na lang para uminom ng tubig at sabay na rin ang pagkain dahil sa gutom na nararamdaman ko. Habang pababa ako nang hagdan, tanaw ko mula sa living area ang liwanag mula sa kitchen. Kapag ganitong oras dapat nakapatay na ang ilaw ng kusina. Sino kaya ang tao sa kusina? Nagmadali na akong pumunta sa kusina nagbabakasakaling si Manang Rose ang madatnan ko. Pero hindi pala si Manang Rose ang nasa kusina kundi si Kysler. Nagluluto ito. Sa ganitong oras naisipan pa niya magluto? Nagugutom din ba siya? Napalingon siya sa akin. Ganun na lang ang pagkagulat niya ng makita ako. Pinasadahan k