Ivy's POV Pababa ako ng hagdanan. Medyo tanghali na rin nang magising ako. Day off ko kaya nandito lang ako sa mansion. Si Candy ay pumasok na sa school. Si Kysler kaya? Si Joanna? Pumunta rin kaya sa office Or magkasama silang dalawa ngayon ni Kysler? Sa pag-iisip ko, nakasalubong ko si Manang Rose. Dala-dala ang tray at may juice at slice bread. "Manang saan niyo po dadalhin 'yan?" tanong ko kaagad kay Manang. Humarang pa ako sa dinadaanan niya. Tumigil naman si Manang tsaka huminga ng malalim. "Para ito kay senyorita, Joanna, hija." mukhang pagod na si Manang. Dahil sa hitsura niya. Siguro naman pagkakataon ko na ito para tulungan muna si Manang. Hinawakan ko ang balikat ni Manang. "Magpahinga na lang po kayo, Manang. Ako na po ang maghahatid nito kay Joanna." hindi na nakap