Bumaba mula sa kotse si Kysler. Kahit malakas ang ulan, tinakbo niya lang ito palapit sa kinaroroonan namin ni Dalia. Nang makalapit agad naman niya hinubad ang kaniyang suit. Iniwan niya lang ang kaniyang panloob. Napasulyap ako kay Dalia na nakaawang ang labi. Natauhan rin naman pagkatapos. Bigla na lang nagsalita si Dalia. Pagkatapos ng matagal tagal na pagkaawang ng kaniyang labi. "Sir, ang sweet niyo naman." Kinabigla ko pa ang pagtapik nito sa braso ni Kysler. Maging si Kysler ay nabigla sa ginawa ni Dalia. Gusto kong matawa dahil dun. Pero pinigilan ko. "Ahm!" Tumikhim naman ako para mapigilan ko ang aking pagtawa. Hindi pa naman mapigilan ang bibig ni Dalia. Baka kung ano pa ang lumabas sa bibig nito. "Gusto mo bang sumabay sa 'min?" tanong ni Kysler kay Dalia. Mas lalo