Chapter 4

3836 Words
Miguel POV "Saan tayo ngayon Death?" Tanong ni Jeff sa akin. Sa makalipas na araw siya at ako ang magkasama ewan ko ba at bakit itong baliw na ito ang palagi kong kasama yong tatlo kasi palaging busy sa mga babae nila. Naawa na ako sa tatlong yon kung naapektuhan ang mga kaibigan ni Regina mas naapektuhan ang mga kaibigan ko. Torture sa kanila kapag nakikita ang mga ito na wala sa mga sarili nila.  "Grabe ka Death, ilang beses na tayong magkasama pero kikibuin mo lang ako kapag nagpapatulong ka pag may gulo." Yup, pakner-in-crime kami ngayon. Street fight at death race sinasalihan namin. Mas maganda doon walang rules, walang makikialam kung anong gagawin mo sa mga kalaban mo doon ko muna binabaling ang atensyon ko kapag may extra akong oras pagkatapos kung pumasok sa eskwela at maghanap sa asawa at anak ko lahat kasi ng posibilidad na mga lugar kung saan pwede silang mapadpad ay pinupuntahan ko. Hindi ko pinansin si Jeff at tuloy-tuloy lang na naglakad. Ito ang trip namin hindi kami nagdadala ng kotse as long as may makita kaming pupwede sa amin go lang kami ng go. Mas mabuti na rin ito kaysa magmukmok ako sa bahay namin. Hindi ko alam kung bakit itong lalaking ito pa ang palaging walang ginagawa sa buhay bukod sa pagbabantay sa Underground Arena puro pangchichicks lang ata ginagawa nito pag may spare time siya. "Death naman, mapapanisan na ako ng laway dito hindi mo pa din ako kinakausap." Daig pa ng lalaking ito ang mga babae sa kakaputak. Di dapat sa gang sumali si Jeff kundi sa paligsahan ng maiingay. Pwede siyang maging announcer tutal naman napakaingay niya kung may katapat si Hikaru at Emerald sa pagiging chismosa si Jeff na yon. Wala alam pagdating sa mga bago at lumang balita. Minsan nga lang ako sasagap ng balita dahil ayokong masyadong maattached naman sa Underground Arena dahil baka ako naman ang machismis dahil nambugbog mainit pa naman pangalan ko ngayon sa publiko dahil sa pagkakakulong namin nitong pahamak kong kasama. He's insisiting na ako ang nag-umpisa noon sumunod lang siya which is half-true kasi ako naman talaga ang nambugbog sa halos lahat ng yon pero sana naman konting suporta. Hindi yong tatakasan niya lang ako kaya nga ito daw kabayaran niya sa kasalanan niya. Ako pa niloko niya gusto niya lang talagang bantayan ako at siguraduhing di ako magpapakamatay dahil kahit alam kong walang bilin sa kanila si Regina aalalahanin pa din nila ako."Uuwi nalang ako Death hindi mo ako kinakausap."  He said pouting. I facepalm bakit wala akong makitang matinong mga kaibiga. Ito na ba ang karma ko Lord? Bakit nyo ako binigyan ng mga kaibigan na mga takas sa mental o kaya naman ay higit pa sa mga isip-bata kung mag-asaran? Why? Akmang tatalikod si Jeff pabalik sa dinaanan namin kanina ng hilahin ko likod ng t-shirt niya para mapabalik siya sa puwesto niya kanina. Nagliwanag naman ang mukha niya at ngumisi pa. "Sabi na eh' hindi mo talaga ako matitiis Death." Sabi niya at akmang yayakap sa akin hindi pa siya nakakalapit sa akin ay inambahan ko na siya ng suntok. Si Lovey ko lang pwedeng yumakap at halik sa akin wala ng iba kaya kung gusto nyo oang mabuhay huwag na huwag nyong gagawin yon especially without my permission. "Yeah right ang bait mo Jeff, ang buti mong kaibigan Jeff. Huhuhu pero hindi man lang nila naappericiate." He said making those weird sounds of crying. I rolled my eyes pwede bang makarequest ng ibang bantay? Wala namang kuwenta tong' kasama ko eh' ginagawa lang akong nata nito. Nauna siyang naglakad sa akin nasa likod niya ako rinig na rinig ko pa din ang pagsasalita niyang mag-isa. Lovey naman, umuwi ka na oh' pakiusap bawiin mo na mga kaibigan mo dahil baka ako ang mabaliw sa kanila pag nagtagal pa kaming magkasama. "Grabe ka Death, hindi ka man lang magpasalamat. Mabuti pa si Regina kahit kailan hindi yon nakalimot magpasalamat sa mga pinapaggagawa niya sa akin." Haist, mauuna ata akong masiraan nito kaysa magtitino ako. Ang lahat ng nakapaligid sa aking mga kaibigan ng asawa ko kung hindi mga isip-bata puro naman pwede ng maipasok sa mental kung sila araw-araw makakasama ko sa iisang bahay malamang, magboboluntaryo na akong papasok ng mental. Aantayin ko nalang sila doon. Alam ko namang ang iba sa kanila ay doon na talaga papunta so, why bother waiting for them kung pwedeng mauna doon? Aish! Bahala nga mga to' may mga isip naman sila pero hindi nga lang ginagamit baka kalawangin na ang mga utak nila kung mag-iisip pa sila. "Tapos, may pasama-sama pang nalalaman. Alam ko namang gusto lang ng may kasamang katulad ko kasi kahit di man nila sabihin alam kong masarap akong kasama tsaka, nakakapagod kayong magmukmok kaya ayan lumabas na siya sa pinagtataguan niyang kuweba at ako naman daw ang gwardya niya." Ang mga sinabi niya at tama pagod na akong magmukmok dahil siguradong pati si lovey magagalit sa akin sa pinagaggawa ko sa sarili ko gaya ng mga kaibigan niya. Minsan nagtataka ako dito kay Jeff hindi ba siya napapagod sa kakadada? Kung si Jake at Hika lang siguro kasama ko bgayon malamang yang bibig niya puno na ng wafers ngayon pero hindi ako sigurado kung mangyayari pa yong ganoong asaran nila. Kung si Jake nga di na kilala ang fiancee niya ako pa kaya na kaibigan lang nila? Tinignan ko ang kasama kong parang si Budoy kung umasta wala naman siyang sakit sa utak pero daig niya pa ang baliw sa pagsasalita ng mag-isa. Natatawa tuloy ako sa kanya hindi niya kasi napapansin na pinagtitinginan na siya ng mga babaeng dumadaan. Ang iba ay lumalayo pa baka daw mahawa sila. Ang iba naman ay tuwang-tuwa sa pinaggagawa niya. Pinabayaan ko nalang ang sarap niyang panoodin eh' tsaka hindi ko naman kasalanan yang pinaggawa niya sa sarili niya nandito siya para samahan ako hindi ang magsalita ng mag-isa. Nilinga-linga ko ang paligid. Haist, bakit sa lahat pa ng pupuntahan ay itong Park pa? Wala na bang iba? Naalaala ko si Khyra dito, my princess. Miss na miss ko na ang kaartehan at kasungitan ng unica hija ko. My daughter who made my life complete. Nangungulila na ako sa kanilang dalawa. Minsan naitanong ko tuloy sa sarili ko kung bakit ako pa? Bakit ang pamilya ko pa, sila ang buhay ko. Sa kanila ako kumukuha ng lakas pero pinaglayo pa din kami ng tadhana. Alam kong masama akong tao pero sana naman huwag lang sila ang kinuha sa akin. Hindi ko na pinansin si Jeff at pumunta nalang sa duyan ng park. Inayos ko ito at naupo dito wala ng tao ang parke kong nasaan oami napadpad dahil gabi na. Ang ganda ng gabi ngunit sa loob-loob ko ay umiiyak at nagdudusa. Tumingin ako langit. Sa madilim na gabi na namumutawi at sa butuing nagniningning. Sino ay may sabing babae lang ang pwedeng madrama? Sinong nagsabi na babae lang ang pwedeng mag-emote? Kung sinuman nagsabi noon ay mapapatay ko. Ginawan naman siguro ang emosyon para sa lahat para maramdaman mo ang mga bagay na hindi nararamdaman ng kahit anong bagay dito sa mundo na walang buhay kaya nga ginawa ang tao pa kahit papano may makaappreciate ng gawa ng Diyos. Oo, marami akong nagawang kasalanan sa kanya but do I deserve this torture Lord? Ano po ba ang pwede kung gawin para ibalik nyo lang sila sa akin? All I want is a life with them. I love them with all my life. Mas mahal ko pa sila sa buhay ko. Ilang beses ko ng gustong magpakamatay pero hindi ko magawa para sumunod sa kanila dahil habang mas tumatagal na wala sila sa tabi ko mas lalong nawawalan ako ng pag-asa na wala na talaga sila. Oo, yon ang nararamdaman ko ngunit tinatago ko lamang ito sa lahat ng mga nasa paligid ko kaya nga mas lalo akong nagpursigi na maghanap sa kanila halos lahat ng koneksyon ko ay pinagalaw ko na ayokong mag-antay na pati ang mga kaibigan ko tatanggapin na lamang na wala na siya. Hindi ako papayag dahil kahit nawawalan na ako ng pag-asa, hahanapin ko pa din sila. "Nagdadrama ka na naman tol." Napatingin ako sa nagsalita. Bwisit! Bakit sa dinami-dami pa talaga ng isasama ko yon pang baliw? Pinahid ko ang luhang tumulo sa aking mata habang pinapanood kanina ang mga butuin. They are beautiful just like my wife and daughter. Iniyuko ko ang aking ulo at ipinatong ang aking mga siko sa mga tuhod dahil sa liit ng swing na pang bata halos di ako magkasya sa duyan sa laki kong tao ang maliliit na bagay ay hindi na ako magkasya. Kung narito lang sana sa tabi ko si lovey malamang may junior na ako. This time sana kamukha niya naman. I sighed deeply while looking at my lap. Naradaman kong may tumapik sa balikat ko, alam ko naman kung sino yon bukod sa siya lang ang kasama ko dito may maasahan pa ba akong iba bukod sa kanya sa panahon ngayon? "She's also my friend tol' kaya naiintindihan kita marami na din siyang naitulong sa akin kahit pa maypagkamaldita ang asawa mo kaibigang totoo yon at hinding-hindi ka iiwanan." He said while looking at the dark night. Who could have thought that we gentlemens can be sentimental also? Wala naman sigurong batas ang nagbabawal doon hindi ba? "Tama ka. Siya ang babaeng mamahalin ka kahit ano pa ang ginawa mo sa kanya. Oo, magagalit siya sayo sa una pero hindi siya yong taong hindu marunong magpatawad. Mahal na mahal ko siya gaya ng kung gaano niya ako kamahal hindi siya yong taong nagsasabi ng totoong nararamdaman niya pero siya ang taong hindi mo man sabihin, nararamdaman mo naman." Malungkot kong saad habang dinuduyan ang swing ng mahina. Ngumiti ako ng peke, inalala ang mga panahon na halos na isuka ko siya dahil sa galit at inis sa kanya but at the end kung sino pa pala ang ayaw mo siya pa ang gustong-gusto mong makita. Yan nga siguro ang nature ng mundo. Iyon bang ayaw mo pero at the same time ay gustong-gusto mo to the point na kapag nawala siya ay parang sasabog ang ulo mo kapag hindi siya nakikita? Nasayang lang ang panahong dapat sana ay magkasama kami at mas lalong pinapahirapan pa ng tadhana ngayon kung maibabalik ko lang ang panahon at nalaman ko ito pipigilan ko ang lahat para hindi na siya umalis. Upang hindi mangyari ang pangyayaring naging dahilan ng pagbago ng lahat kaya nga sinabi ko noon sa mga kaibigan ko na huwag nilang hayaang mangyari, ang nangyari sa akin dahil baka sila ngayon ang nasa posisyon ko naghihirap ang kalooban at halos buhay na patay na ginagawa ang mga bagay na hindi pinag-iisipan. "Don't you know Death. The day she announced that she is married to you. Lahat ay naghanda ng kani-kanilang sandata para gulpihin ka kapag pinaiyak mo siya?" Napatawa ako ng mahina sa pagbabalik-tanaw naming ito. Mga alaala niya na masayang balik-balikan. "She almost kills us all when we threaten that we will kill you if you make her cry. Hindi mo pa alam na gangster siya noon. Sino nga ba ang maghihinala na gangster ang babaeng yon kung sa mukha at kilos palang niya noon ay napaka-inosente niya. Lahat kami naospital ng gabing yon ng magwala siya kapag daw may humawak sayo kahit dulo lang ng kuko mo. Ililibing niya ng buhay. Grabe, siyang magbanta dalawa lang kasi ang patutunguhan noon nagbibiro lang siya o totohanin niya." Pagkukuwento niya habang namumutla ang namamawis na inaalala ang bahaging iyon ng mga alaala nila sa asawa ko. Yes, walang maghihinala na gangster she because she had the most innocent look that make you melted on your knees. Mapapaluhod ka sa sa harapan niya hindi ko magawang tumawa ng malakas dahil andito pa din sa puso ko ang sakit ng pagkawala nila ng anak ko. "But those innocent looked gone. Noong sinaktan mo siya Death sa maniwala ka o bago siya umalis papuntang Amerika ay nalumpo niya ang limampung miyembro ng gang dahil sa galit. That was the day that she never open-up her feelings to anyone even with her friends." Mas lalong lumaki ang dala-dalahin ko sa sinabi niya. Ako ang gumawa ng halimaw sa loob ng asawa ko. Ako ang gumawa sa kanya noon. Mukhang napansin ni Jeff ang uneasiness ko kaya nanahimik na siya at hindi na muling nagkuwento. I wouldn't do the same mistake I did in the past. Ang gabing sana ito ay ang paggawa namin ng mga bagay na walang kabuluhan ay naging isang reminsce night. Wala namang masamang alalahanin ang nakaraan pero mas masakit lang alalahanin lang ito lalo na kapag may dinadamdam ka pa. "Aish! Tama na nga Death. Hindi ako sumama sayo para maging best actor o kaya naman ay maging lola basyang." He said half-jokingly. Tumango ako sa sinabi niya at nauna ng tumayo mula sa swing at naglakad ng mabilis. "Iniwan na naman ako." Rinig kong bulong niya sa sarili at humabol na naman sa akin. Psh, as if namang aantayin ko siya kung ganyan siya kabagal sila Kevin nga iniiwanan ko siya pa kaya? "So, dahil wala tayong mabugbo---este magagawa ngayon. Nagsasawa na din naman akong samahan kang uminom puwes, gagawin natin yong iniisip ko." Sabi niya sabay akbay sa akin habang naglalakad. I don't like his smile parang may nakatagong kakaiba. Err, bahala na nga, wala naman akong magawa kaya sasakyan ko lang ang gusto ng isang to' Masaya din naman minsan ang mga bagay na ginawgawa niya kahit walang kuwenta. Patuloy lang kaming naglakad hanggang makarating kami sa mataong lugar which is ang harap ng mall. Nagtaka ako ng tumigil si Jeff at nakangising tinitignan ang lolo sa may di kalayuan na tatawid sa daan. "Watch and learn Death." He said grinning from  ear to ear. Nangunot ang noo ko ng naglakad siya papalapit sa matanda. Gago ano kayang gagawin ng isang iyon? Nanatili lang akong nakatayo sa puwesto ko at inantay kung anong ang susunod niyang gawin. Inakay niya ang matanda papunta sa kabilang daan upang makatawid ito, may itinitagong bait din pala ang isang ito. Papalakpakan ko na sana siya ngunit napatampal ako sa noo ko sa ginawa niya. Pagkarating nila sa kabila ang akala kong tutulungan niya ang matanda ay hindi pala bumalik sila sa kinatatayuan ng matanda kanina. Mukhang narealized yata ng matanda ang ginawa niya kaya ng makarating sila doon pabalik. Pinaghahampas siya ng matanda sa baston nito ayan ang napapala ng may sayad. Iwas siya ng iwas sa baston ng matanda at nagtatakbong bumalik sa akin. Hingal na hingal pa ang may sayad nato' sa inis ko ay binatukan ko pa siya ng malakas pati ba naman matanda pagtitripan niya? "Aray! Para saan yon?!" Gulat niyang tanong sa akin. Aba't nagtatanong pa siya? Binatukan ko siya ulit. "Nakakadalawa ka na Death ah." Inis niyang sabi sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata sa lahat ng matitinong tao dito sa mundo itong nasa harapan ko ang pinagkaitan ng tino. "Hindi ka yata nag-enjoy dun Death. Ah' sige, iba nalang doon tayo sa mall." He said dragging me. Iba ang nafefeel ko sa trip ni Jeff. Mukhang malala to' should I think twice next time kapag sumama siya sa akin? Baka hindi kulungan ang sunod na destinasyon ko nito kundi sementeryo na. Pumasok kami ng mall hindi pa naman masydong gabi kaya marami-rami pang tao sa loob mga pares na nagdadate. Geez! Public place to' hindi motel. Tinignan ko si Budoy este si Jeff na nililibot na naman ang kanyang mata. Ano kaya ang laman ng malikot na pag-iisip nitong kasama ko kapag hindi ako nasiyahan sa gagawin niya ipapasok ko siya sa mental. Then, I saw him tumigil ang mga mata niya sa isang hotdog stand. Kakain yata ang isa, nagutom sa kakaputak niya sa bibig niya sumunod ako sa kanya umorder siya ng isa kaya ganoon na din ako. Ang isa niya ay naging dalawa hanggang naging sampu pero hindi niya kinakain. The next thing I know is sumigaw siya bigla. "FREE TASTE DAW! DALI KUHA NA KAYO!" He shouted. Lahat ng nakarinig ay agad na lumapit sa hotdog stand. Hindi magkandaugaga ang tindera dahil hindi naman totoo ang sinabi ng kasama ko na...nasaan na yon? I turned to the left pero wala siy sa kanan ko ay wala din. Amputek! Tumakbo ang gago! Before, I could run nasa harapan ko na ang tinderang galit na galit dahil sa ginawa ng kasama ko. "Bayaran niyo ang lahat ng kinuha ng mga tao kung hindi papapulis kita." Banta niya. Bwisit ka Killer! Tahimik talaga kitang papatayin gago ka. Wala akong nagawa kundi kunin ang wallet ko ang inabutan ng sampung libong pisong papel ang tindera, umismid lang ito matapos kunin ang pera at bumalik sa puwesto niya. Napabuntung-hininga nalang ako at hinanap ang walangya kong may sayad na kasama kapag nasa gipit talaga nauuna yong tumakbo at ako na hindi alam ang ginagawa niya ang laging napapahamak nandito na rin lang ako sa mall bakit hindi nalang ako maglakad-lakad diba? Wala naman sigurong nawawala sa akin kung gagawin ko ito ngayon ko lanh natatandaan, ito ang unang pagkakataon na pumasok ako sa isang pambublikong pasyalan mula noon. Tumingin-tingin lamang ako sa mga store na narito pero natigilan ako sa kinatatayuan ko. I was frozen at the spot kung saan ako nakatayo kaharap ang isang deparment store. Dinadaya ba ako ng aking mata o namamalikmata lang ako sa mismong department store kung saan nakatayo ako sa harapan nito ay pumasok ang babaeng laman ng puso't-isipan ko nitong mga nakalipas na araw. Hindi na ako nagdalawang isip na pumasok sa department store at sinundan ang sinasabi ko. Lumakas ang t***k ng puso ko para itong tambol sa lakas ng t***k nito hindi namang masamang umaasa diba base sa tindig nito at likod pa lamang ng babaeng nakita ko alam kung siya yon ng makapasok ako sa store ay agad kong pinagala ang aking mga mata. Lahat ng sulok ay tinignan ko upang makasigurado. Ayon! Spotted! When I saw the girl nakatalikod ito sa akin pero sigurado akong siya na nga si Regina. Nilapitan ko siya at tinapik ang balikat niya. "Regina?" Tawag ko sa kanya. Tila nagslowmo naman ang lahat ng niligon niya ako pero to my disappointment she's not my wife. Humingi agad ako ng paumanhin, naghahallucinate na yata ako pati ibang tao napagkakamalan kong siya. "I am sorry I mistaken you for someone.."     Third Person POV   "Kanina pa yan hindi ka paba pagod?" The gray-haired boy asked ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni red-haired girl. Nakapokus ang isip nito sa ginagawang pag-eensayo kasama ang mga tauhan nila. She doesn't want disturbances dahil mas gusto niya ang ensayong walang ingay. She hates noise because it's definitely annoying to her. Nasa gitna babae ng training ground nila at pinapalibutan ng kanyang mga ka-sparring. Pumikit ito ulit at inantay na sumugod ang mga kalaban. She's holding a samurai with her bare hands just like her opponents nang mahulog ang baryang siyang sign na umpisa na ang laban ay agad na kumilos ang babae at isa-isang pinatumba ang mga kasamahang naging  mg ka-sparring niya ngayon. Napangisi naman si gray-haired boy nang makitang walang panama ang mga ito sa babae. Isa-isang natutumba ang mga kalaban nito dahil sa paggamit nito sa samurai na hawak-hawak nito kung totoong laban lang ito siguradong patay ang mga tauhan namin sabi sa loob-loob ni gray-haired boy. Isang ka-sparring nalang niya ang natitira pero ang mga mata ng babae ay puno pa din ng determinasyon na talunin ang kalaban niya. Ang ka-sparring ay bigla na lamang natakot ng makita ang mga mata niyang kasing itim ng gabi. Nabitawan nito ang hawak na samurai at lumuhod sa harap ng babae. "Talo na po ako Young Lady. Please...spare my life." Takot na sabi nito habang lumuluhod. Nainis naman ang babae pero hindi pa din nagpakita ng kahit na anong emoyon. Ang ikinaiinis pa naman niya ay ang mga taong hindi pa nga sinusubukan ay lumuluhod na agad para magmakaawa. She stared at the man cold and emotionless ang sumunod na pangyayari ay ang nagpagulat sa lalaki. Nahulog nalang ang ulo nito sa lupa habang ang katawan nito ay nakaluhod sa babae. Everyone gasped pero sa kanya ay wala lang ito. She doesn't feel any guilt or pity on that man. Lumapit sa kanya ang isang butler at binigyan siya ng towel. "Speak." The girl said. Hindi pa man sabihin ng gray-haired boy ang kailangan nito. Nahuhulaan na agad ni red-haired girl ang nais nitong ipahiwatig. "He wants to talk to us." Sagot ng lalaki habang umiinom ng tubig ang babae at pinupunasan ang mga dugong napunta sa kanya sa laban kanina. She nodded at inayos ng pony tail ang buhok niya. Itinuro niya ang lalaki at sinenyasang mauna na ito at susunod nalang siya. As usual the girl doen't talked a lot. Gray-haired boy frowned and walked. Hindi niya maitindihan kung bakit ayaw nitong magsalita o talagang tinatamad lang ito alinman sa dalawa siguradong may mangyayaring kakaiba at kapana-panabik. He thinks. Ano na naman kaya ang sasbihin ng matandang yon? Sabi sa isip ng dalaga. Tinignan niya ang relos niya. “Earlier than I thought.” The girl said to her self. She breaks her own records sa pagtetraining niya at malaki pa ang oras bago tumunog na naman ang alarm nito. Indikasyon na kailangan na niyang magdali para umuwi o pumasok ng kuwarto niya. Nasanay na siya lifestyle niyang ganito kaya wala na siyang irereklamo pa dito sumunod agad siya lalaki na nasa opisina na ng may-ari ng mansyong ito. Hindi pa naman siya nakakapasok ay naulingan na niya ang pagtatalo ng mga ito. "Are you insane? Talaga bang ipapahamak mo siya alam mo naman ang kalagayan niya!" Nagsasagutan ang mga ito kahit hindi niya alam kong ano ba ang pinagtatalunan ng mga lalaki sa loob ng silid. "It's for the best." Nakarinig siya ng mga lagabog sa loob. She braced herself alam niya kapag hindi pa siya pumasok ay baka magkainitan na naman ang dalawang ito at kapag nagkataon madadamay ang lahat ng nasa mansyon. "The best your fa-" Hindi na naituloy ng isa kung anuman ang sasabihin nito. Dahil bumukas ang pinto at iniluwa noon ang babaeng kanilang pinagtatalunan. Nanlamig sila sa hanging dala nito or  sa presensya nito. She didn't speak but her actions indicate that she wants this man's to explain what's happening. Tumikhim ang matanda habang nanatiling madilim ang mukha ni gray-haired boy. Ang sumunod na sinabi ng matanda ay siyang nagpagulat sa kanya. Dafuq?! Ano na naman ang plano ng matandang to'? The girl mentally scolded the old hag. Naasar siya sa sinabi nito pero wala siyang magagawa dahil utos ito at hindi pakiusap na dapat sundin kahit magreklamo ka pa wala kang dapat ikaalma kaya pala grabeng magreact ang kasama niya. "You and your brother were going back to the Philippines."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD