JL NANDITO kami ngayon sa opisina ni Attorney. Lingid sa kaalaman ni Kim ay naka-record ang lahat ng magaganap sa apat na sulok ng kwartong ito. Gusto ko nang matapos ang mga kaguluhan para makapamuhay kami ng tahimik ni Gia. Magkasabay kaming dumating ni Corbin pero wala pa si Kim. Sa tingin namin ay hindi naman siya maliligaw. Ang sabi ni Attorney kanina ay natawagan na niya ito at naibigay na niya ang address ng opisina. Nasaan na ba ang babaeng 'yon? Malapit ko na siyang tawagan nang biglang bumukas ang pinto. Pambihira. Nakuha pa niya talagang magpalit ng damit? Let's just pretend that this s**t is real for one second. Ang isang totoong kapatid ba ay may panahon na magpalit ng damit na labas ang clevage habang nagdadalamhati? Mabuti na lang at nakaupo sa tabi ko si Corbin, kung

