MABILIS na nakarating ang mag- asawa kasama si Tylane. Hindi sila nag- iimikan man lamang sa buong biyahe. Na labis na ikinagagalit ni Tylane na punong- puno ng paninibugho sa mag- asawang napaka-sweet. She even regrets na nakisabay siya pauwi. Sana na lang ay hinintay na lang niya si Dion hanggang sa matapos ang sadya nila sa lugar na iyon. Pagkarating nila sa Mansiyon ay agad na dumiretso si Tylane sa kwarto nilang mag- asawa na hindi man lamang kinibo ang mag-asawa. Lihim namang napaismid si Strawberry dahil sa inasal ni Tylane. Alam niyang anumang oras ay manunuklaw na lang ito basta-basta. She can even figure out the devil thought ng babae. Nagpahinga naman silang mag-asawa dahil sa pagod nila sa biyahe. Kinalimutan muna ni Strawberry ang kanyang mga hinala about her family and her A