HINDI naman katagalan at dumating na ang kotse ng asawa ni Strawberry. Naiinis lang siya dahil nakatayo si Miel at ang barkada nito sa kabilang panig ng gate sa University. Parang sinadyang hintayin ang pagdating ng asawa ni Strawberry para sunduin siya. Nauna na sina Missy dahil kanina dumating ang mga sundo nila. Ngumiti si Strawberry nang bumaba ang tinted na bintana ng kotse ni Spencer. Kasabay nang pagbaba nito at binuksan ang pintuan ng sasakyan. "Hi!" bati ni Strawberry. Lumapit sa kanya si Spencer at inakay sa na sa loob ng kotse. Hindi na rin nilingon ni Strawberry ang kinaroroonan nina Miel. Alam niyang talbog na ito sa hitsura pa lang. Kahit pa sinasabi nitong sugar daddy niya ang kanyang asawa ay ito pa rin ang kanyang pipiliin kumpara kay Miel. "Kumusta ang maghapon mo?" ta