SI Miss Michelle na nga ang gagawa ng interview ni Miel at maf- i- edit daw sa ibang nilalaman ng kanyang sinulat kanina lamang. Wala nang nagawa pa si Strawberry dahil baka hudyat pa iyon ng hindi nila pagkakaintindihan ng kanyang asawa. Lalo pa't tila nagkukumahog itong makauwi na nang Villa at ang sama na ng tingin nito sa paligid ng school. Baka raw naroon sa tabi-tabi si Miel at pasikretong tinitingnan si Strawberry. Gusto na ngang makita ni Spencer ang Miel na iyon para mapayuhang huwag nang lalapitan si Strawberry kahit isang metro pa ang layo nito. Dahil sa kaba ni Strawberry na baka magkagulo ang dalawa ay mabilis siyang nagdahilan na nahihilo na siya at gusto na niyang makauwi ng Mansiyon. Kumalma naman si Spencer at inakay na niya ang kanyang asawa palabas ng campus patungo sa k