SA INIS at galit ni Strawberry ay nagpahatid siya sa may Mcdo dati niyang part time job. Pumila siya papunta sa counter pero sa hanay na kung saan si Sheena ang naroon. Gulat na gulat si Sheena nang siya na ang nasa harapan nito. "Hoy bruha! Buhay ka pa pala! Ano ang order mo?" sabi ni Sheena. "Hindi ako mag- oorder, wala bang bakante? Kahit hindi rito sa counter?" sagot ni Strawberry. "Ha? Seryoso ka? Meron taga- prepaired ng burger absent si Lily eh!" tugon ni Sheena. Napangiti nang maluwag si Strawberry. "Thank you!" sabi nito ay umikot na siya sa may pintuan papasok sa loob ng booth. Dahil wala siyang extra na damit para sana magpalit siya nagkalagay na pang siya ng apron. Tutal sa loob naman siya, hinubad nito ang kanyang heel at naka- paa na lang siya. Tinatawanan lang siya ng