KINABUKASAN. Napag- usapan nang mag- asawa na maglakad- lakad na lamang muna si Strawberry sa may park habang nasa meeting ang kanyang asawa. At hindi siya masyadong lalayo, kailangan ding upadated ang kanyang asawa sa anumang lakad niya. Kung saan man siya magpunta para kung may danger agad nitong alam kung saan siya pupuntahan. Si Strawberry ang naghanda sa damit ng kanyang asawa, inayos din nito ang lahat ng mga kailangan nito sa meeting. Hinalikan pa ni Spencer sa labi si Strawberry bago ito tuluyang bumaba kasama si Adelle na secretary nito. Isa lamang ang pinili nitong dadalhin para hindi hassle. Pagka- alis ni Spencer ay agad namang gumayak si Strawberry para magliwaliw sa may park kung saan sila galing ng kanyang asawa kahapon. Binilisan na nito ang kanyang pagligo at pagpalit ng