MAGHAPON nang hindi lumabas si Strawberry. Hindi naman sa natatakot siya sa mag-asawa kundi umiiwas muna siya baka lalo pang lumaki ang away. Dahil the more na dinidiin siya, the more niyang ipaglalaban ang kanyang katwiran. Kapag hindi niya kasalanan, walang dahilan upang sumuko siya. Hindi siya isang babaeng mahina ang loob, matapang siya sa lahat ng bagay. Bihira siyang umiyak, dahil alam niya na siya lang ang makakatulong sa kanyang sarili. Ayaw niyang magsumbong kay Spencer dahil ayaw niyang matawag na sumbungera. Ayaw niyang mas lalong ma- stress ang kanyang asawa lalp pa't pagod ito galing sa trabaho. Napaigtad saglit si Strawberry nang bumukas ang pinto ng kanilang kwarto. Iniluwa roon ang kanyang asawa kaya agad na napasulyap si Strawberry sa malaking clock na sa wall nila. Past