KAGAYA nga nang napagkasunduan ay escort ng mag- asawa ang grupo nina Marco pabalik sa Mansiyon ng mga Agoncillio. Hindi naman sa over react subalit gusto lang manigurang kampo ni Magdalene sa kaligtasan ng kanyang anak maging ang kanyang mga apo. Nasa maaaring birth stage na si Strawberry dahil seven years na nga ang mga triplets sa kanyang sinapupunan. Baka sa konting stress at problema ay magkaroon oa ng early birth ang triplets kapag hindi sila masyadong mag- iingat. Bagay na ayaw mangyari ni Magdalene lalong- lalo na sa mag-asawa. Gusto nina Strawberry at Spencer na husto ang buwan ng triplets bago sila lumabas sa mundong ibabaw. "Talaga bang hindi ka galit kasi naglihim ako sa'yo?" tanong ni Strawberry habang tumatakbo ang kanilang sasakyan. "Honestly, I'm speechless Wifey!" matapa

