MAGHAPON ngang masama ang pakiramdam ni Strawberry. Hindi rin ito nakakain dahil tila hinahalukay ang kanyang sikmura. Kahapon pa niya naramdamang tila hindi maganda ang pasok ng pagkain sa kanya. Kaya lang binawela niya iyon kahit pakiramdam niya ay lagi itong bloated. Pinilit niya pa ring kumain nang kumain kahapon at kagabi. "Hayyy! Ano na nangyayari sa'yo Straw!" bulong niya sa kanyang sarili. Tinatamad pa rin itong tumayo patungo sa banyo. Maliligo sana kaya lang pagtulo ng shower ay bigla itong nilamig. Para tuloy umurong ang kanyang kagustuhang maligo. Parang ansama ng pakiramdam niya sa tubig na babasa sa kanyang katawan. Kaya nakasimangot itong bumalik sa kanyang kama. Siya namang pagbukas ng pinto at iniluwa roon si Spencer. Nagulat si Strawberry pero sandali lamang. "Bakit an