MEDYO humihilab ang tiyan ni Strawberry nang araw na iyon. Napagod yata siya sa pag- asikaso sa kanyang Modelling Agency. Malimit na siyang hingalin dahil sa pabigat na nang pabigat ang kanyang tiyan. Nagpapasalamat din siya dahil hindi pa alam ni Spencer na kapag umaalis ito ay umaalis din siya papunta sa kanyang opisina. Dahil kapag nalaman niya iyon tiyak mahabang tanungan at bangayan. Hindi pa siya handang malaman ni Spencer ang lahat baka isipin ng kanyang asawa at si Don Diego na backstabber siyang tao. Baka samantalahin na naman nina Tylane at Venus kapag nagkataon. Buntis pa naman siya kailangang lie low muna siya para sa kaligtasan ng kanyang mga anak. Ipapaubaya na lamang niya muna sa kanyang Mama ang iba pang dapat nilang gawin. Mairaos niya lang ang triplets, at muling mabawi a