NATIGILAN si Tylane sa paglagok sana nito sa hawak na alak habang nasa may balkonahe sila ni Venus. Matagal na rin silang hindi nagkita at nagkausap. Napataas pa ang kilay nito at nakairap ang mga mata sa kanyang tinitingnan. Nagtaka naman si Venus kung ano o sino ang tinitingnan nito kung kaya't sinundan ng kanyang paningin ang direksyon kung saan nakatingin si Tylane. Si Venus naman ang namangha at hindi makapaniwalang sa nakikita nito. "Himala nakauwi na ulit siya!" nakangising sabi ni Venus. "What she's doing here?" mataray namang wika ni Tylane. Sukat doon ay natawa naman si Venus kay Tylane. "Ano namang nakakatawa aber?" nakunot noong tanong nito kay Venus. "Alam mo para kang tanga! Ofcourse this is a family house ng mga Agoncillio natural narito din siyang kagaya mo!" sagot ni