NAKAHINGA nang maluwag si Strawberry dahil naka-mask ang kanyang asawa with matching sumbrero pa. Naka-jacket din ito ng blue na may hoodie. Hindi tuloy maiwasan ni Strawberry ang mapangiti. "What's that?" tanong ni Spencer sa kanya. "Wala! Para ka kasing teenager sa suot mo!" sagot niya. "Ngayon lang ito!" anas ni Spencer. Napatikhim naman sina Missy upang makuha ang atensyon ni Spencer. Kaya kahit hindi nakababa ang mask ni Spencer ay alam mong ngumiti dahil sa pagsingkit ng mga mata nito. "Puwede pa- picture mamaya?" tanong ni Missy. Pinandilatan ito ni Strawberry pero mas niluwangan pa ng dalaga ang ngiti nito. "Ahm..okay sige! After nating kumain!" pagpayag ni Spencer. "Yes!" bulalas ng tatlo na mas ikinatawa ni Spencer. "Paano ka niyan kakain naka-mask ka?" bulong ni Strawbe