C-44: Ang pagka- atake ng Don.

1419 Words

HINDI NA natuloy ang usapan ng mag- asawa na maglilibot sa USA. Inatake kasi si Don Diego na ikinabigla nilang lahat. Pagkatapos ng huling meeting de avanze ni Spencer sa lahat ng mga kasosyo nila sa negosyo sa America ay sinundo na sila ng private airplane nila. Kaya kahit na nagtatampo si Strawberry sa kanyang asawa ay nanaig pa rin ang pag- aalala nito sa ama ni Spencer. Pero nakahinga na rin nang maluwag si Strawberry dahil hindi na nila makakasama pa sa biyahe si Tylane. At hindi na rin niya makikita pa at makakabangayan si Aiza. Naturuan na naman niya ito ng leksyon kaya okay na rin. "Hold me tight if you want!" wika ni Spencer nang papalipad na ang airplane. Nakapikit kasi si Strawberry at nakakapit sa gilid ng kanyang upuan. Hindi niya ginawa ang utos ng kanyang asawa. Nang walan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD