ITO ANG araw ng kasal nina Dion at Tylane ss huwes. Ikinasal sila sa harapan ni Judge Carioga at nagpalitan sila ng " I do! ". Napakaganda ni Tylane sa elegante nitong white casual dress na mas lumitaw ang pagka-model nito. Private ceremony iyon na dinaluhan lang ng pili nilang mga kamag-anak. At siyempre, dinaluhan din ng mag- asawang Strawberry at Spencer. At kagaya ng sinabi ni Spencer kay Strawberry na huwag muna siyang pansinin kung ano ang kanyang nakikita ss kanyang asawa. Isa namang masunurin minsan si Strawberry kaya pinagbigyan niya ang kanyang asawa. Tutal, wala naman siyang nakikitang kakaibang ikinikilos ng kanyang asawa kundi ang pagiging tahimik lang nito. Nagulat pa si Strawberry nang makita niya si Miel sa araw ng kasal pero kunwari ay hindi niya ito nakita. Nakakatunaw ka