NANGHIHINA si Strawberry sa mga isinawalat ni Magdalena. Ang lahat ng katotohanang nang dahil sa kayamanan kaya nasira ang kanilang pamilya. Ang gumugulo sa isipan ngayon ni Strawberry ay kung papaano nagkaroon ng relasyon ang kanyang Mama at si Don Diego. "Pakihatid na ang kapatid mo Marco, papahapon na at baka magtaka ang kanyang asawa kung bakit wala siya sa Mansiyon." Bilin ni Magdalene nang iwanan nila si Magdalena sa may basement. " 'Ma, may itatanong sana ako sa'yo! Alam kong hindi na sana ito mahalaga kaya lang ito ang isa sa gumugulo sa aking isipan." wika ni Strawberry. Kaya naudlot ang pagyaya sana sa kanya ni Marco upang maihatid na siya sa may Mansyon. Marahang tumingin si Magdalene kay Strawberry saka napabuntonghininga. Tumingin ito sa baba ng terasa kung saan naroon ito

