"Ferdie paano niyo nakasama si Tylane?" agad na tanong ni Spencer sa kanyang driver nang makarating na sila sa kumpanya. Madilim ang mukha nito at nakakuyom ang kanyang mga kamao. Napalunok si Ferdie at hindi makatingin sa kanyang amo. "Nagkasabay kasi sila sa elevator boss! Hindi ko naman alam na hindi sila puwedeng magkasama." Sagot ni Ferdie na napakamot sa kanyang batok. "Next time, don't let them be in one place okay? Kung hindi pa tumawag sa akin si Vanessa ng teriyaki hindi ko pa malalaman na ang asawa ko nakipila sa counter para umorder. Ni hindi mo man lang sinabi na sa amin iyon, hindi ko naman aasahang sasabihin ni Tylane kay Strawberry." Saad ni Spencer. "Sorry boss, hindi na mauulit. Alam ko na ang aking gagawin next time!" tugon ni Ferdie. Napabuntonghininga si Spencer