"Masakit ang paa ko." sambit ni Kairos, at tumigil sa paglalakad, "Sorry ha.. Hindi ko kasi napansin na naka-ilang ikot na tayo sa mall." Alanganing sagot ni Jean, ang tagapag-alaga niya ngayon. Napakamot pa ito sa ulo habang tintingnan siya. Blankong tiningnan ito ni Kairos, at napaupo sa Bench. Naningkit ang mga mata niya dahil sa inaakto nito. Hindi niya masabi kung mahina lamang talaga ang utak nito. He harumphed. ‘Adults nowadays.’ Itinuro ni Kairos ang isang restaurant. "Buy everything on the menu, there." sumunod ang ulo ni Jean sa tinuturong restaurant ni Kairos. May kinuha si Kairos na black card sa loob ng bulsa, at iniabot sa babae. "Para san 'to?!" Nanlaki ang mata ni Jean. Ngayon lang s'ya nakakita ng black card, sa tanang buhay n'ya! ‘Milyones ang kayang bilhin ng is