NAPAHINTO si Alejandro sa marahang pagkatok sa pintuan nang bumukas ito at lumabas si Assi na luhaan ang mga mata. “Alejandro... alam kong wala akong karapatan kay Eros dahil ibinenta ko na siya sa ‘yo, mali ‘tong ginagawa ko.” Hindi pa rin malinaw ang mga bagay-bagay kay Assi, magulo pa rin ang kaniyang isip. “Isa pa, hindi sa katulad ko magiging maayos ang buhay ni Eros hanggang sa paglaki niya.” Nalulungkot ito na tumungo. “I'm sorry, hindi ko siya dapat isinama. Dapat ako na lang.” Tila nahimasmasan na ito. Himbis na magsabi ng kung ano ay niyakap niya ito nang mahigpit. “No,” he mouthed, “Hindi ka rin dapat umalis nang hindi ako pinakikinggan. Mahal kita, Assi, hindi dahil sa kontrata o kahit ano pa man. I can’t lose you and Eros. Walang dapat umalis dahil isasama kita pabalik sa ma