MABILIS na dumaan ang araw at nagising na lamang si Assi kinabukasan ay paalis na sila ni Alejandro ng Pilipinas upang magbakasyon sa ibang bansa. Handa na ang lahat, kahapon pa nila ito nahinda para sa araw na ito. They are both excited and happy to flight together for their first travel abroad. Hindi binitawan ni Assi ang hawak niyang passport na batid niyang pinakakailangan sa lahat. Hawak-hawak niya ito hanggang sa tuluyan silang makarating sa airport at makasakay ng eroplano. Inaasahan ni Assi na susunod sila sa maraming pasahero na pumapasok sa loob ng isang malaking eroplano, subalit labis siyang nagtaka nang sila lamang ang inaasikaso ng ilang emplyedo ng airport pasakay sa isang sasakyan panghimpapawid. Kumunot ang kaniyang noo nang tumapak sa stainless na hagdan paitaas. Iilan la