TINIGNAN ni Assi ang suot niyang relo. Sampung minuto na ang nakalilipas simula nang dumating silang mag-asawa sa isang restaurant kung saan nila dapat kikitain si Zion. Napag-usapan nila kagabi na magkikita-kita roon at nangako ang lalaki na makikiisa upang malutas kaagad ang nangyari kay Ava. “Baka pinagloloko na tayo ng lalaking ‘yon, baka nangsisinungaling lang siya at talaga siya ang may gawa nito kay Ava!” inis niyang sambit, “Dahil kung hindi siya, sino naman? Siya lang din naman ang itinuturo nila Simon na nanakit kay Ava nang minsan. Isa pa, kung wala talaga siyang kasalanan bakit hindi siya sumipot ngayon?” Pinagmasdan siya ng asawa at natawa na lamang ito. “Calm down, Honey. Maaga pa naman—” Inumin lamang ang kanilang in-order dahil bago sila umalis sa bahay ay nag-agahan nama