PUMANHIK si Assi sa itaas kung saan sigurado siyang nagtungo si Alejandro sa kanilang silid. Naabutan niyang bukas ang pintuan at nakatayo ang lalaki sa tapat ng bintana. Nakatalikod ito sa kaniyang gawi at tiyak na malalim ang iniisip. Malalim na napabuntong hininga si Assi at hindi na siya tumuloy pa sa pagpasok sa loob, bagkus ay bumalik siya sa loob ng theater room. Doon naupo at isinandal ang likuran sa backrest ng rounded couch. Bagsak ang kaniyang balikat at hindi pa rin makapaniwala sa mga narinig. Sa wakas ay nakilala niya na si Ava na kanina pa niya iniisip kung sino ito at ano ito sa buhay ni Alejandro. Everything was shocking; it really shocked her. Na halos hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakahuma. What should she do now? Hindi niya na alam ngayon kung saan siya lulugar