PAGKATAPOS nilang magbakasyon sa isang hotel ay bumalik sila sa mansion. Balik sa normal ang lahat, maging ang mga empleyado sa naturang bahay ni Alejandro. Heto nanaman si Assi at pakikisamahan ang dalawang kasambahay na palaging nakasimangot sa tuwing nakikita siya. Tila hobby ng dalawang iyon na kainisan siya. Bumalik sa klase si Myra at hinahatid sundo niya ang kapatid kasama ang newly hired driver ni Alejandro na para talaga sa kaniya. Bumalik na rin kasi sa trabaho si Alejandro kaya naman madalas itong wala sa bahay at hindi niya nakakasama. Magaan ang naging buhay ni Assi simula nang mapunta siya sa poder ng lalaki, ngunit hindi niya nais masanay nang ganoon dahil batid niya namang babalik din siya sa pinanggalingan noon pagkaraan lamang ng ilang buwan. Kaya naman balak niyang mag