HANGGANG sa makauwi ay hindi nahinto si Ava sa pagtangis. Tila siya namatayan sa ginagawa. Sobra siyang nasasaktan sa ipinakita at ginawa ni Alejandro para ipagtabuyan siya. Hindi niya alam kung tama bang maranasan niya ang ganito gayong nang lumisan siya at iwan ito ay pareho lamang silang nagdusa. Isang kilalang figure skater si Ava, malayo na ang kaniyang nararating sa career na ito. Kumikita siya ng milyo at tumataas lalo ang kaniyang pagiging popular. Malaki ang kaniyang kinikita at ganoon din ang kumpanyang humahawak sa kaniya. Isang taon na ang nakararaan simula nang makatanggap siya ng imbitasyon mula sa ibang bansa patungkol sa pinakamalaking competition ng figure skating. Nagdadalawang isip siyang tanggapin iyon dahil kinakailangan niya ng matinding training sa ibang bansa para