Billionaire 39

2152 Words

NGITING-NGITI si Zion nang makatanggap ng tugon mula kay Assi. Naging abala siya sa trabaho nitong mga nakaraang araw kaya naman hindi kaagad nakakuha ng pagkakataon upang i-text o tawagan ang babaeng nakilala niya sa mall. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa kaniyang isip ang magandang mukha ng babae ba tinulungan. Bihira pa naman niyang matipuhan ang isang tao sa isang tingin, subalit iba itong si Assi Miller. Talagang nakuha nito nang buo ang kaniyang atensyon. Hindi na maalis sa kaniyang isip. Ngunit nang makauwi siya sa bahay ay nakalimutan niya itong i-text or tawagan man lamang dahil sa ilang mga iisipin, lalong-lalo na dahil kalilibing pa lamang ng kaniyang ama na yumaon sa edad na singkwenta’y tres dahil sa malubhang sakit. “Hijo, kailan ka nanan ulit babalik dito sa mansion?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD