SIMULA NANG masaktan si Assi ng ina ni Alejandro ay iniwasan niya nang lumapit sa ginang. Sa tuwing bumababa ng mansion at nagtutungo sa hardin ay siya naman itong aakyat sa silid kasama si Eros at Belle upang kahit papaano ay may nakakausap siya. Pagkatapos niyang maligo ay naupo siya sa sofa na nasa loob ng kanilang silid, pinagmasdan niya ang kaniyang braso na siguradong magkakapeklat. Malalim siyang bumuntong hininga. Ang sabi ng asawa ay maayos naman iyon kung sakaling mameklat. Walang imposible sa lalaking iyon kaya naniniwala siya roon. “Ms. Assi, may tawag ka po galing sa boutique. Hindi ka raw po ma-contact sa number mo.” Lumapit si Belle at inabot sa kaniya ang wireless phone. Nakalimutan niyang low bat nga pala ang kaniyang cell phone. Inasikaso niya kasi si Eros kanina kaya