HINDI malaman ni Assi ang dahilan subalit simula sa oras na mabanggit ni Alejandro ang tungkol sa itim na pusa ay hindi na siya mapakali. Bumigat ang pakiramdam niya hanggang sa makarating sila sa hospital. Laking pasasalamat niya naman dahil ligtas silang nakarating, ngunit ang bigat sa kaniyang dibdib ay hindi niya pa rin nabawasan. Kaagad napansin ng asawa ang pagiging tahimik niya sa buong byahe at hanggang sa makarating sila sa hospital. “Are you okay?” he asked full of concern. Napakurap siya at tumingin dito. Tulak-tulak nila sa iisang stroller ang kambal habang si Eros ay buhat ng ama. Sa pampublikong lugar na lamang nila ito palalakarin, hindi sa loob ng hospital. “Ayos lang ako. May iniisip lang.” “About what?” “Naku, hayaan mo na. Wala lamang ‘yon.” Hindi naman na nagtan