Billionaire 41

2017 Words

“MAY naghahanap po sa inyo sa labas, Ma’am Assi.” Nagtataka man kung sino ang naghahanap sa kaniya ay hindi na siya nagtanong pa. Kaagad na lamang siyang lumabas ng bahay at nagtungo sa gate. Hindi niya na nais na makaabala pa ang kasambahay. Hindi naman siya ang nagbabayad sa oras ng mga ito. Bahagya siyang hiningal dahil napakalayo ng kaniyang nilakad sa front yard bago tuluyang nakarating sa gate. “Assi! Assi! Totoo nga, milyonarya ka na.” Hindi niya malaman kung ano ang dapat na maging reaksyon nang makita ang kapatid ng kaniyang ina at ang anak nitong babae na halos kasing edad niya. “Tiya Margarette? Anong ginagawa ninyo rito?” Pinagmasdan niya ang dalawa at hindi gaano lumapit sa mga ito. Hinayaan niyang mamagitan sa kanila ang malaki at malawak na kulay puting gate ng mansion.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD