Billionaire 63

2051 Words

DAHIL maiksing panahon lamang ang pananatili nina Assi at Alejandro sa Los Angeles ay minadali na nila ang pag-aasikaso sa kasal. Talaga nga namang kapag may pera ka ay walang imposible, dahil pagkaraan lamang ng ilang araw ay tuloy na tuloy na ang kanilang kasal. Isa lamang itong civil wedding, ngunit masayang-masaya na si Assi dahil sa wakas ay mayroon na siyang panghahawakan sa mga salitang binibigkas sa kaniya ni Alejandro. Lalo na ang bagay na madalas nitong sabihin na mahal siya ng lalaki. Isang magarbong puting bistida ang kaniyang suot at simple lamang ang pagkakaayos sa kaniyang buhok, maging ng kaniyang makeup. Talagang mayroon pang ipinadalang tao si Alejandro para sa mag-aayos sa kaniya at magbibihis. Nauna itong umalis dahil mayroon pang aasikasuhin sa hall na kanilang napili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD