HINDI NAIS ipakita ni Assi ang matinding lungkot sa asawa dahil batid niyang mahihirapan din ito. Isa pa ay alam niya namang hindi lamang siya ang may problema kundi maging ito, lalo na ngayong wala nang kasiguraduhan kung kailan darating ang tuluyang pamamaalam ng ina. Malungkot mang isipin o hindi niya nais banggitin ang tungkol doon, ngunit kailangan nilang tanggapin ang lahat. Mas minabuti ni Assi na tatagan ang loob hindi lamang para sa kaniya kundi na rin para kay Alejandro na nagpapakatatag din para sa kaniya. Kailangan niyang maging malakas. Hindi natatapos ang kanilang buhay at problema nang dahil lamang sa kaniyang ina na mayroon nang sariling pamilya. Kailangan niyang ipagpatuloy ang kanilang buhay. Hindi niya nais na ang asawa ang mahirapan sa lahat ng kanilang pinagdaraanan. K