TUWANG-TUWA si Assi sa naging regalo sa kaniya ni Alejandro. Nagsimula niya namang problemahin ngayon ang kaniyang mga susuotin at ang paglalagyan ng kaniyang bagahe kaya naman naisipan niyang magtungo sa mall. Sana lamang ay makahanap siya ng mga sale para naman kahit papaano ay makatipid. Kahit kasi kumikita na ang kaniyang negosyo ay hindi pa rin talaga siya gaanong nakakabawi sa malaking ginastos. Halos maubos ang paunang bayad na ibinigay sa kaniyang ni Alejandro. Maigi na lamang at bumebenta naman ang boutique kaya may naitatabi pa rin siya. Maagang umalis si Alejandro sa bahay at nagtungo sa opisina nito upang asikasuhin ang mga trabahong maaring maiwan kapag sila ay umalis upang magbakasyon. Kaagad siyang bumaba sa sala nang matapos mag-ayos ng sarili. “Aalis ka po, Ate Assi?”