PAGKATAPOS nilang kumain ay naglibot sila habang lulan ng sasakyan. Tuwang-tuwa si Assi nang makita niya mula sa taas ng kanilang pinuntahan ang Bulkang Taal. Kunuha siya ng maraming larawan sa buong paligid. Kumuha rin siya ng kaniyang larawan gamit ang front camera ng kaniyang cell phone. Hindi siya magkanda ugaga sa pagkuha ng larawan, dahil talagang napakaganda ng paligid. Idagdag pang nasa mataas na bahagi sila kaya naman tanaw na tanaw mula sa kinaroroonan nila ang magandang tanawin sa ibaba. “Ang ganda grabe.” Bihira lamang siyang mamasyal kaya naman tuwang-tuwa siya ngayon sa kanilang pinuntahan. Nakakalis ito ng pagod at kung ano pa mang malalim na isipin. Pinagmamasdan lamang siya ni Alejandro. Maya-maya ay naisipan nitong kunin sa bulsa ang cell phone at saka siya nito lihim n