KAAGAD nilang silang nagtungong muli sa awtoridad at dinala ang nahanap nilang ebindesya upang masusing maimbistigahan. Ikinaiinis lamang ni Alejandro na ang lahat ay kailangang dumaan sa prosesa, gayong nais nito ng kaagarang aksyon upag mahuli si Zion sa mga kasalanang nagawa nito. Subalit kahit anong inis ang kaniyang maramdaman ay wala naman siyang magagawa. Galit nag alit siya at hindi alam kung paano iyon pahuhupain, kung pupwede nga lamang na siya na ang maghanap at magdala sa lalaking iyon patungo sa mga awtoridad ay kanina niya pa ginawa. Subalit mayroong batas at proseso ang awtoridad na kailangang sundin. Makailang ulit na siyang napabuntong hininga ngayong araw. Hindi siya mapakali—nais gumawa ng hakbang, ngunit hindi niya nais gumawa ng kahit anong hakbang na maaring ikapahama