ITINULOY ni Ava ang balak na pakikipag-usap kay Alejandro. Malapad pa ang kaniyang ngiti at excited siyang makausap ang lalaki. She has a lot to tell him, especially about her past that had happened to her for the past one year they were separated. Nais niyang malaman ni Alejandro ang tungkol sa tunay na nangyari sa kaniya. Naniniwala siyang maiintindihan siya nito at muli silang magkakaayos. “Ayos lang kung hanggang dito na lang, Zion.” “Uh kasi I’m worried if you can get inside, istrikto kasi si Alejandro pagdating sa bisita.” Nagdadalawang isip si Zion dahil ngayon lamang naalala ang tungkol doon. Tumingin ito sa labas ng opisina ni Alejandro kung nasaan ang cubicle ng sekretarya nito. Abala ang babae sa pag-aasikaso ng mga dokumentong hawak. “I don’t mind, basta kailangan ko siyang